Thursday, August 20, 2009

Utol ni Lucio Tan, kinasuhan ng 2 kasambahay (People's Taliba)

Nagsampa ng reklamo sa Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang kasambahay ng kapatid ng business tycoon na si Lucio Tan na minaltrato umano sa loob ng limang taon.

Kasama ang abogadong is Atty. Al Parreno, nagtungo kahapon sa QCPD sina Mary Jane Sollano, 18, at Aljane Bacanto, 16, para ipagharap ng kasong physical injuries at illegal detention ang among is Mariano Tanenglian. Ayon kay Parreno, hindi umano pinapayagang ng kanilang amo na lumabas ng bahay ang mga katulong. Bukod dito, sinasaktan din umano ng asawa ni Tanenglian na si Aleta at ng dalawang anak nito ang mga biktima.

Si Sollano ay nailigtas ng Commission on Human Rights, Department of Social Welfare and Development, at operatiba ng QCPD Women’s Desk matapos makatakas si Bacanto sa bahay ng kanyang amo noong Agosto 10. Sa ngayon, isinasailalim ang mga biktima sa physical at psychological examination upang maging maayos ang dalawa bago harapin ang kanilang problema.


Source:
Rivera, Arlene, People’s Taliba (Vol. 27 Blg. 40 p.4) Published August 21, 2009. Retrieved from
http://www.manilastandardtoday.com/insideMetro.htm?f=/2009/august/21/metro2.isx&d=2009/august/21