Friday, August 28, 2009

Reklamo ng kasambahay sa amo, inakyat na sa DOJ (Abante)

Pormal nang inhain sa Department of Justice (DOJ) ng 18-anyos na kasambahay ang patung-patong n kaso laban sa dati nitong mga among negosyanteng Tsinoy sa pangunguna ni Mariano Tanenglian.

Maliban sa negosyante, kinasuhan rin ng maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide ng biktimang si Mary Jane Sollano sina Aleta Tanenglian, asawa ni Mariano, at mga anak na sina Maximillian at Fayette.

Ayon sa abogado ng biktima na si Atty.Al Parrenos, 13-anyos pa lamang ay namamasukan na ang biktima sa mga Tanenglian. Sa buong panahong iyon ang pangmamalupitan siya ng kanyang mga amo.

Sa isang insidente, dahil hindi pa kabisado ang trabaho sa bahay ay bigla na lamang nagagalit si Aleta at sinasaktan ang biktima.

Natapos lamang ang paghihirap ng biktima nang makatakas ang isang kapwa katulong na siyang nagsumbong sa ama ng bktima.


Source:
Mendoza, Tina, Abante (Vol XXII No. 115) Published August 28, 2009