Naaalarma na rin ang Senado sa tumataas na bilang ng mga kasambahay na inaapi ng mga maiimpluwensyang negosyante sa bansa. Ang pinakahuli ay ang napabalitang pangmamaltrato ng isang negosyanteng Tsinoy, si Mariano Tanenglian, sa kanilang 18 anyos na kasambahay.
Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat tuluyang magkaroon ng batas na mangagalaga sa karapatan ng mga kasambahay.
Matatandaan naman na nanawagan si Senador Jinggoy Estrada upang tutukan ng Philippine National Police ang nasabing kaso ng pangmamaltrato ng pamilya ni Tanenglian sa kanilang kasambahay na kinilalang si Mary Jane Sollano,
Si Estrada ay may-akda ng Kasambahay Bill na naglalayong bigyan ng sapat na proteksyon ang mga tinaugriang bayani ng tahanan.

Source:
Remate. (Taon 18 Isyu 151 p.5) Published August 14, 2009