Saturday, August 15, 2009

Amo, sabit sa pagmamaltrato (Abante Online)

Nakatakdang magsampa ng kaso ang isang 18-anyos na katulong laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian at sa asawa nito dahil sa pagmamaltrato at illegal detention na sinapit nito sa loob ng may 5 taong paninilbihan.

Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, abogado ng biktimang si Mary Jane Sollano, nakahanda ang biktima na isalaysay ang pagmamalupit sa kanya ng pamilya Tanenglian, at hangad na rin ang hustisya para sa kanyang naging kalbaryo sa kamay ng malulupit na amo.

Si Sollano, tubong Pagadian City, Zamboaga del Sur ay matatandaang nasagip sa isang pinagsanib na ope­rasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Quezon City Police noong Lunes, sa tahanan ng mga Tanenglian sa No. 30 Biak na Bato St. Sto. Domingo Quezon City.

Ang kalbaryo ni Sollano ay nalantad lamang nang isang katulong ng pamilya Tanenglian na si Aljane Bacanto ay makatakas, at ikinuwento sa ama ng biktima ang pagmamalupit na sinasapit ng anak.

Agad na nakipagkoordina sa CHR ang ama ng bik­tima at isang operasyon ang isinagaw

Source:
Mendoza, T., Abante Online. (Posted August 12, 2009). Retrieved from
http://www.abante.com.ph/issue/aug1209/crimes04.htm