Pormal nang naghain ng kaso ang dalawang katulong ng kapatid ni Lucio Tan sa lungsod ng Quezon.
Nagsadya kahapon ang mga biktimang si ‘Marie’ at ‘Lucia’ sa tanggapan ng Women and Children Concerned Desk (WCCD) ng La Loma Station 1 ng QCPD kasama ang abogadong is Atty. Al Parreno upang pormal na maghain ng kasong maltreatment at serious physical injuries laban kay Mariano Tanenglian.
Dagdag ni Parreno, kasalukuyang sumasailalim ang mga biktima sa physical at psychological examination upang maging maayos ang kanilang kalagyan.
Magugunitang noong August 10 nang sinagip ng pinagsanib na pwersa ng WCCD, Commission on Human Rights at grupo ng mga abogado si ‘Lucia’ matapos ipaalam ni ‘Marie’ ang hirap na dinaranas nito sa kamay ng pamilya Tanenglian.

Source:
Ching, Alex, Remate, (Taon 18 Isyu 158 p.3) Published August 21, 2009