Pinatututukan ni Senador Jinggoy Estrada sa Philippine National Police (PNP) ang kasong isinampa laban sa asawa ng negosyanteng si Mariano Tangelian na inaakusahan ng pangmamaltrato ng kasambahay nila sa Quezon City.
Ang kasambahay na kinilalang is Mary Jane Sollano, ay nailigtas sa pinagsanib na pwersa ng PNP, Commission on Human Rights, at Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa mambabatas, tinututukan ng bayan ang pangyayaring ito lalo pa’t nakabinbin sa Senado at Kamara ang Kasambahay Bill na magbibigay-proteksyon sa mga tulad ni Sollano.
Maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay nangakong tututukan ang nasabing kasong isinampa ng biktima.

Source:
Marfil, Rey, Abante Tonite. (Vol. XXI Blg. 194) Published August 13, 2009. Retrieved from
http://www.abante-tonite.com/issue/aug1309/crime_3.htm