Monday, August 10, 2009

Kasambahay, ni-rescue ng mga otoridad sa bahay ni Lucio Tan (Bombo Radyo Philippines)

Napasugod kanina sa bahay ng negosyanteng si Lucio Tan sa Quezon City ang mga otoridad para iligtas ang isang 18-anyos na kasambahay na umano'y minaltrato ng hipag ni Tan at dalawa nitong anak.

Nagtungo sa tahanan ng negosyante sa No. 30 Biak Na Bato corner Dapitan St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City ang mga operatiba ng Quezon City Police District, Commission on Human Rights at Department of Social Welfare and Development para iligtas si Mary Jane Sollano na kasambahay ng kapatid ni Tan na si Mariano.

Ayon kay Atty. Melanie Trinidad, abugado ng ama ng kasambahay, si Sollano ay minamaltrato umano no Aleta Tan at dalawa nitong anak.

Batay sa affidavit ng kasama sa trabaho ng biktima na una ng tumakas, itinatali umano sila ng mga Tan.


Source:
Bombo Radyo Philippines. (Posted August 10, 2009)
http://www.bomboradyo.com/morenews.asp?ID=102199