Uusigin ng Department of Justice (DOJ) si Mariano Tangenglian, asawa nitong si Aleta, anak na si Fayette, at ilang pang sangkot sa pangmamaltrato sa isang 18-anyos na katulong.
Kasama ang abogadong si Atty. Al Parreno, pinanumpaan ng biktimang si Mary Jane Sollano, sa tanggapang ni DOJ State prosecutor Edna Valenzuela ang reklamong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide laban sa kaniyang dating amo.
Ayon kay Atty. Parreno, limang taong minaltrato, pinaghuhubad, at hindi pinapakain ang biktima na nagsimulang maglingkod sa mga Tanenglian noong siya’y 13-anyos pa lamang. Sa panahon ng kanyang paninilbihan, bawal siyang gumamit ng telepono, manuod ng TV, tumawa, umupo sa upuan ng amo, magbasa, magsulat, at iba pa.
Naranasan rin ni Sollano ang sakalin, sampalin, tadayakan, iuntog sa pader, magtabaho ng nakahubad, sabunutan, at ikadena ang dalawang kamay at paa.
Noong Agosto 10, 2009 lamang na-rescue ng Department of Social Welfare and Development (DSWS), Commission on Human Rights (CHR), at La Loma Police ang biktima. Plano ring sampahan ng iba pang respondents ang mga akusado matapos suhulan ng P150,000.00 ang mga operatiba ng CHR at DSWD.

Source:
Pimentel, Ann, Remate (Taon 18 Isyu 165). Published August 28, 2009