Sinampahan na ng kasong maltreatment at illegal detention at kapatid ni Lucio Tan na si Mariano Tanenglian dahil sa pang-aabuso umano nito sa kanyang dalawang kasambahay sa Quezon City.
Nagtungo dakong alas-10 ng umaga kahapon sa Quezon City Police District Station 1 ang dalawang kasambahay kasama ang kanilang abogadong si Atty. Al Parreno.
Ayon kay ‘Nena’, 18-anyos, nagsimula siyang manilbihan para sa mga Tanenglian noon siya’y 16-anyos pa lamang ngunit dumanas umano siya ng pangmamalupit mula sa kanyang amo hanggang sa siya’y mailigtas kamakailan ng mga awtoridad.
Samantala, si ‘Baby’, 19, ay nakatakas mula sa kanyang mga amo at siyang nagsumbong sa pulisya ukol sa pangmamaltrato ng kanilang amo.

Source:
Abaya, Gerry, Hataw! (Taon 5 Blg. 214 p. 2) Published August 21, 2009. Retrieved from
http://www.manilastandardtoday.com/insideMetro.htm?f=/2009/august/21/metro2.isx&d=2009/august/21