Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng masusing imbestigasyon ukon sa umano’y dinanas na pang-aabuso ng isang katulong sa kamay ni Mariano Tanenglian, kapatid ng bilyonaryong si Lucio Tan.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, pag-aaralan rin ng nasabin ahensya ang paghiling sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold departure order laban sa suspek.
Ayon kay Atty. Carmela Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division, sinisilip rin nila ang anggulong paglabag sa child abuse law at child trafficking sa kaso ng biktimang kinilalang si Mary Jane Sollano. Sinasabing 13 anyos pa lamang siya nang mamasukan ito sa mga Tanenglian.
Nagsampa na ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide si Sollano sa tanggapan ng Department of Justice laban kay Mariano, asawa nitong is Aleta at mga anak na sina Maximilian at Fayette.
Sa kanyang tatlong pahinang affidavit, idenetalye ni Sollano ang hirap na dinanas niya sa kamay ng kanyang mga amo.

Source:
Bagong Tiktik (Taon 12 Blg. 236 p. 2) Published September 2, 2009