Wednesday, September 9, 2009

Isa pang kasambahay maghain ng kaso vs negosyante (Abante and Abante Tonite)

Upang pagtibayin pa ang patung-patong na kaso laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian at kanyang pamilya, naghain na rin ng hiwalay na kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide si Aljane Bacanto, 19, sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa biktima, walang takot nitong haharapin and dating amo upang makakuha ang hustisya mula sa pagmamalupit na naranasan nito. Aniya, dahil sa dinanas, nagkaroon na siya ng trauma at takot nang mamasukan muli.

Sa kanyang reklamo, sinabi nito na nagsimula siyang mamasukan noon Mayo 2006. Noong una ay maayos ang pakikitungo ng mga amo sa kanya ngunit naglaon ay nakita at nakaranas na ito ng pagmamalupit.

Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng dating amo ay ikinukulong sa kwarto, hindi pinapakain, hindi pinaaalis ng bahay, hindi pagbigay ng day-off at sinasakatan sa konting pagkakamali.


Source:
Mendoza, Tina, Abante (Vol. XXII Blg. 127 p.3) Published September 9, 2009
Republished at Abante Tonite ( Vol. XXI Blg. 221 p.3)