Personal na nagreklamo sa Department of Justice ang isa pang kasambahay ng negosyanteng si Mariano Tanenglian na si Aljane Bacanto laban sa kanyang dating amo at asawa nitong is Aleta ng umano'y pagmamaltrato.
Sinabi ni Bacanto na noong una lamang naging maayos ang pakikitungo ng mga amo sa kanya hanggang sa lumabas na ang tunay na ugali ng mga amo at nakaranas na niya ang pagmamalupit at hindi makataong pagtrato.
Kabilang sa pagmamalupit na ginawa umano ng dating amo ay ikinukulong sa kwarto, hindi pinapakain,at binubugbog
Nauna nang naghain ng reklamo sa DOJ si Mary Jane Sollano, 18, tubong Zamboanga del Sur, isa ring kasambahay ng mga Tanenglian kaugnay sa pagmamaltratong naranasan rin nito mula Hulyo 9, 2005 hanggang Agosto 9, 2009.
Ilan pang respondents na hindi pinangalanan ang kasama sa reklamo, na pawang mga residente ng Sto. Domingo, Quezon City.

Source:
Balute, Marvin, Bandera (Tomo 19 Blg. 360 p. 4) Published September 9, 2009