Wednesday, September 2, 2009

Sampulan nag mga abusadong bigtime na bossing! (Bulgar Editorial)

Tama ang naging desisyon ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang negosyanteng si Mariano Tanenglian na inerereklamo ng pang-aabuso at pagmamalupit ng kanyang katulong.

Karaniwan kasing nakalalaya ang mga multi-milyonaryong tulad ni Tanenglian kapag nasasangkot sa mga ganitong kaso. Nagsampa na ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide at biktimang si Mary Jane Sollano sa tanggapan ng Department of Justice laban sa kanya, sa asawang si Aleta Tanenglian at mga anak na sina Maximilian at Fayette.

Sa affidavit ng biktima, masusing idenetalye niya ang mga naranasang pagmamalupit mula sa kantyang mga amo.

Ilan pa kayang Mary Jane ang patuloy na nagdurusa dahil sa pang-aabuso ng kanilang multi-milyonaryong malupit na amo?


Source:
Bulgar Editorial (Taon 17 Blg. 272 p. 3) Published September 2, 2009