Tuesday, September 1, 2009

Tanenglian lagot sa CHR (Police Files)

Magsasagawa ng imbestigasyon and Commission on Human Rights hingil sa umano’y pang-aabusong pisikal at mental na kinasasangkutan ng negosyanteng si Mariano Tanenglian.

Ayon kay Atty. Carmelita Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division, maaring maharap sa kasong paglabag sa karapatang pambata at child trafficking si Tanenglian, maliban pa sa naunang kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery, at frustrated homicide na isinampa ng katulong na si Mary Jane Sollano. Kasama sa akusado ay ang asawa nitong is Aleta at dalawang anak.

Bukod dito, pinag-iisipan pa ang CHR kung hihilingin nila sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold departure order laban sa mga suspek.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima, matinding pang-aabuso umano ang dinanas niya mula sa kamay ng kanyang amo. Sa loob ng limag taong paninilbihan, pinagbawalan siyang gumamit ng cellphone o telepono, makipag-usap sa kasama, tumawa, maupo sa upuan nila, sumilip sa bintana, magbasa, at magsulat. Maliban ditto ay naranasan din si Sollano na buhusan ng mainit na tubig ang mga kamay at ikadena ang paa’t kamay nito dahil sa pagkakamali sa paggawa ng gawaing bahay.


Source:
Police Files. (Vol. 6 No. 24 p. 2) Published September 1, 2009