Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court ng kasong kidnapping, serious illegal detention, 8 counts ng kasong child abuse, at paglabag sa Anti-Trafficking of Persons si Mariano Tanenglian at ang mag-iina nito dahil sa pangmamaltrato sa kanilang katulong.
Sa 17-pahinang resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, nakitang may probable cause ang reklamong isinampa ng katulong na si Mary Jane Sollano. Napatunayan na 13-anyos pa lamang si Sollano nang gawing katulong ng mga Tanenglian at sa panahon ng paninilbihan niya ay nakatanggap ito ng pisikal na pang-aabuso mula sa mga amo.
Kinatigan ng DOJ ang salysay ng ama ng biktima na mula ng 2004 ay hindi na niya nakausap o nakita man lang ang anak. Nalaman niya lamang ang kalagayan ng anak matapos magsumbong ang isa pang katulong ng mga Tanenglian ukol sa pangmamamltratong ginagawa sa kanila.
Dahil dito, nakipag-ugnayan ang ama ng biktima sa Quezon City Police, Commission of Human Rights, at Department of Social Welfare and Development kung saan isang rescue operation ang isinagawa sa tahanan ng mga Tanenglian noong Agosto 2009.
Source:
Mendoza, Tina, Abante. Published January 15, 2010