Inerekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kidnapping, serious illegal detention, 8 counts ng kasong child abuse, at anti-trafficking law laban sa negosyanteng si Mariano Tanenglian, asawa nito, at dalawang anak sa Quezon City Regional Trial Court.
Batay sa 17-pahinang resolusyon ng panel na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, sinampahan ng 8 counts ng child abuse dahil napatunayan na 13-anyos pa lamang si Sollano nang gawing katulong ng mga Tanenglian.
Bukod dito, nakatanggap rin ang biktima ng pisikal na pang-aabuso ang biktima mula sa mga Tanenglians, kabilang dito ang hindi pagbibigay ng tamang pagkain, at ang pagkuha ng hubad na larawan nang mahuli ang biktimang kumukuha ng pagkain sa refrigerator.
Kinatigan ng DOJ ang salysay ng ama ng biktima na mula ng 2004 ay hindi na niya nakausap ang anak. Nalaman niya lamang ang kalagayan ng anak matapos magsumbong ang isa pang katulong ng mga Tanenglian ukol sa pangmamamltratong ginagawa sa kanila. Kasunod na nito ang ginawang pag-rescue sa biktima.
Source:
Amargo-Garcia, Gemma, Pilipino Star Ngayon. Published January 15, 2010