Monday, December 7, 2009

Kasambahay, kinalbo, plinantsa (Police Files)

Panibagong kaso ng pangmamaltrato at pang-aabuso ang isinampa ng isa pang kasambahay ng bilyonaryong Intsik na si Mariano Tanenglian at pinahuling biktima ay kinalbo umano ang buhok at pinaso pa ng plantsa ang biktima.

Pormal na naghain ng reklamo ang biktimang kinilalang si Gina Renacia, 33, sa Department of Justice laban kay Mariano Tanenglian, asawa nitong is Aleta at mga anak na sina Adeline at Junjun.

Ayong sa sumbong, matagal ng naglilingkod ang biktima bilang kasambahay ng mga Tanenglian at sa tuwing magkakamali ito ay sinasampal siya ng mga ito at nung minsan ay kinalbo ang kanyang ulo.

Ayon pa sa biktima, Nobyembre 1992 nang pasuin ng plantsa ni Aleta si Renacia sa likod, dahilan upang isugod ito sa Philippine General Hospital.

Kung matatandaan, dalawa nang kasambahay ni Tanenglian ang nagharap ng sumbong sa pulisya laban sa pamilya ni Mariano Tanenglian dahil sa pang-aabuso at pangmamaltrato ng mga ito. Sila ay sina Mary Jane Sollano, 18-anyos, na tubong Zamboanga del Sur at Aljane Bacanto, 19, ng Leyte.

Ayon sa abogadong si Al Parreno, sumsailalim sina Sollano at Bacanto sa ‘counseling’ sa tulong ng Kaisa Foundation na naglalayong tumulong sa mga inaabusong kababaihan sa bansa.

Source:
Police Files (Vol. 6 No. 115 p.2) Published December 7, 2009